Naaalala ko pa nga noong una ko siyang kinuha -- makintab at magarbong nakaatats ang guwapo kong litrato sa tabi ng aking pangalan. Araw-araw kaming magkapiling. Maiinis ako sa sarili ko kapag naiiwan ko siya sa bahay.
At kanina lamang, nagpaalam siya nang 'di man lang nagsasabi sa akin. Marahil sa paghugot ko ng pera sa Chowking o sa pagtayo ko sa tren siya nakalayas sa piling ko. Hindi nagsabi. Grabe lang 'yon.
Yung I.D. ko? Mahal ko 'yun. Tatlong taon at tatlong buwan din kaming nagsama. Pinagmalaki ko siya sa bawat gusaling dadayuhin ko sa eskwela. Gasgasin man siya sa paglalampungan nila ng mga barya-barya ko sa bulsa, buong puso ko pa rin siyang pinapakita sa iba. Biro mo, naka-limang panabit na siya upang masabit ko siya sa aking leeg at naipagmalaki with no hands --- ganyan siya kaespesyal.
Ngayong wala ka na, o I.D. ko, hahanap na akong bago. Hindi man 'sing pangit mo sa litrato, o 'sing olats mo dahil wala kang centennial logo, o 'sing gasgas nang bonggang-bongga, minahal at mamahalin pa rin kita. Iniisip ko noon, ikaw na ang una at huli ko. Hindi pala. May pangalawa pa at maaaring masundan pa. Parang lablayp lang: masusundan at masusundan din.
Mahal kita o I.D. ko. Paalam din dahil ang pangit mo.
